Ex-mayor ng Lanao timbog sa drug raid
Hindi na nakapalag ang dating alkalde sa raiding team matapos maabutan siya sa kanyang tahanan. Sa pag­hahalughog ng mga operatiba, nasamsam sa bahay ng suspek ang mga plastic sachet na naglalaman ng droga na nagkakahalaga ng P136,000.
Michael Varcas
Ex-mayor ng Lanao timbog sa drug raid
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Bagsak kalaboso ang isang dating alkalde ng Lanao del Norte matapos mahulihan ng droga sa pinagsanib na operasyon ng mga awtoridad sa kanyang bahay sa Cagayan de Oro City nitong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 10, kinilala ang nasakoteng suspect na si Abdul Manamparan II alyas “Don”, 37-anyos at residente ng Xavier Estates, Upper Balulang ng nasabing lungsod.

Sinabi ng mga awtoridad na si Manamparan,  dating alkalde ng Nunungan, Lanao del Norte, ay matagal na nilang sinusubaybayan matapos silang makatanggap ng impormasyon na sangkot ang da­ting opisyal sa pagtutulak ng droga.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte, sinalakay ng pinagsanib na elemento ng Police Regional Office (PRO) 10, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 10 at Cagayan de Oro City Police ang tahanan ng suspect  sa nabanggit na lugar.

Hindi na nakapalag ang dating alkalde sa raiding team matapos maabutan siya sa kanyang tahanan. Sa pag­hahalughog ng mga operatiba, nasamsam sa bahay ng suspek ang mga plastic sachet na naglalaman ng droga na nagkakahalaga ng P136,000.

Isinailalim naman sa kustodya ng PDEA 10 ang suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

PRO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with