Chief security ng Bulacan Provincial Capitol todas sa ambush

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Ret. P/Col. Fernando Villanueva, 61-anyos, hepe ng Provincial Security Unit at Bulacan Provincial Jail Management Office.
STAR/ File

CALUMPIT, Bulacan Bulagta ang isang retired police colonel na nagsisilbing chief security ng Bulacan Provincial Capitol matapos tambangan at pagbabarilin ng  riding-in-tandem sa Brgy. Bagbag, dito kahapon ng hapon.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Ret. P/Col. Fernando Villanueva, 61-anyos, hepe ng Provincial Security Unit at Bulacan Provincial Jail Management Office.

Sa inisyal na ulat ng Calumpit Police, dakong alas-5:30 ng hapon habang pauwi na si Villanueva lulan ng kulay itim na Mitsubishi Estrada nang pa­ulanan ng bala ng ‘di kilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo sa hangganan ng Brgy. Bagbag.

Nagawa pang makalabas sa kanyang sasak­yan ang biktima at tinangkang tumakas pero hinabol ng mga suspek saka muling pinagbabaril.

Ang biktima ay dating police provincial director ng Bulacan Police Office at nagtatrabaho sa kapitolyo matapos magretiro sa pagkapulis.

Show comments