4,000 tourism workers sa Boracay isasalang sa COVID-19 test
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa 4,000 na “tourism workers” sa pa­­mosong Boracay Island sa Aklan ang bibigyan ng libreng COVID-19 RT-PCR tests ng Department of Tourism (DOT) upang makatiyak sa ka­­­nilang kalusugan at sa kaligtasan ng mga turista na kanilang ma­kakasa­lamuha makaraang buksan ang isla sa publiko.

Naglaan ang DOT ng P8 milyong pondo na ibibigay sa pamahalaang panlalawigan ng Aklan para gamitin sa swab tests ng mga mangga­gawa sa Boracay.

“By supporting RT-PCR testing among workers in Boracay, the Department reiterates that safety is the unparalleled priority­ in re-opening domestic­ tourism. We want to restore confidence amongst travelers and protect their health and well-being as our tourism workers get their livelihood back,” ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Isinagawa rin umano ito ng DOT sa iba pang tourist destinations tulad ng Baguio City kung saan naglaan din ng P8 mil­yong budget para sa anti­gen testing sa mga bibisita sa lungsod bukod pa sa RT-PCR tests.

Binuksan ang Bora­cay nitong Oktubre 1 para sa mga turista na magmumula sa mga lugar na nasa ilalim ng “general community quarantine” (GCQ).

DOT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with