6 bandidong BIFF sumuko

MANILA, Philippines — Anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na may ugnayan sa mga dayuhang terorista ang sumuko sa tropa ng militar sa Central Mindanao kamakalawa.

Sa report ni Major Gen. Juvymax Uy, commander ng 6th Infantry Division (ID) ng Philippine Army, ang anim na BIFF ay sumurender sa tropa ng 40th Infantry Battalion sa Pres. Quirino, Sultan Kudarat.

Kinilala ni Uy ang mga nagsisuko na sina Talusan Manalasal, Rogial Manalasal,Bin Batingkal, Omar Manalasal, Sangutin Kabilan at Montasir Kanao; pawang nago-operate sa marsh land sa ikalawang distrito ng Maguindanao.

Nagdesisyong sumuko umano ang mga bandido dahil sa walang puknat na Focused Military ­Operations (FMOs) sa mga pinamumugaran nilang lugar sa lalawigan. Isinuko rin nila ang dalawang garand rifles, isang rocket-propelled grenade, isang Barrett sniper rifle at isang M79 grenade launcher.

Show comments