Parak na galing duty itinumba
Kinilala ang biktima na si P/Master Sgt. Alvin Capulot, assistant muni­cipal community affairs and development, police non-commissioned officer ng Lebak Municipal Police Station.
STAR/File
Parak na galing duty itinumba
Doris Franche, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 8, 2020 - 12:00am

SULTAN KUDARAT, Philippines — Pinaniniwalaang personal na alitan ang dahilan sa pagbaril at pagpatay sa isang pulis na pauwi ng kanilang bahay mula sa duty ng ‘di pa nakilalang gunmen sa bahagi ng Provincial Road, Purok Sampaguita, Brgy. Pasandalan, Lebak, Sultan Kudarat kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si P/Master Sgt. Alvin Capulot, assistant muni­cipal community affairs and development, police non-commissioned officer (PNCO) ng Lebak Municipal Police Station.

Sa ulat, pauwi na sa Brgy. Poloy-Poloy mula sa kanyang duty si Capulot nang sundan ng mga suspek sakay diumano ng Bajaj at XRM na motorsiklo sa bahagi ng Provincial Road, Purok Sampaguita, Barangay Pasandalan ng nabanggit na bayan alas 7:25 ng gabi.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa likod at sa itaas na bahagi ng katawan si Capulot na siyang sanhi ng kanyang kamatayan.

Isang kalibre .45 na baril ang ginamit ng mga suspek sa pagpatay sa biktima, base sa empty shells na nakita sa crime scene.

Naka-half mast na ang watawat ng Pilipinas sa harapan ng Lebak Police­ Station bilang pagpapa­kita ng kanilang simpa­tiya sa pagkasawi ng kanilang kabaro.

PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with