Kelot sinalvage sa sapa

SARIAYA, Quezon, Philippines — Isang bangkay ng hindi nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvaging ang natagpuan ng mga residente sa sapa na sakop ng Sitio Silangan, Barangay Guisguis sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Ayon sa pulisya, walang nakitang anumang bagay na mapagkakakilanlan sa biktima maliban sa suot nitong kulay asul na T-shirt, kulay itim na boxer short at tinatayang umeedad sa pagitan ng 45-50.

Ayon Kay P/Capt. Dixson Mercado ng Quezon SOCO, ang biktima ay nasa limang araw ng patay at lumubo na ang katawan nito kaya nahihirapan silang kilalanin.

Show comments