Mag-utol pinagsasaksak habang naka-quarantine, 1 patay
ng biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib sanhi ng agaran nitong kamatayan ay nakilalang si Cris Mark Astoveza, 24, habang nasa malubhang kalagayan sa Rural Health Unit (RHU) sanhi ng mga saksak sa dibdib at braso ang kanyang kuya na si Jhun, 38, may asawa; mga tubong San Miguel, Bulacan subalit pansamantalang nakatira sa Brgy. Pagsangahan, Infanta, Quezon dahil sa kanilang trabaho bilang obrero sa road construction.
STAR/ File
Mag-utol pinagsasaksak habang naka-quarantine, 1 patay
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

INFANTA, Quezon, Philippines  — Umagos ng dugo sa loob ng isolation house ng mga natenggang obrero matapos pagsasaksakin ng isa sa kanila ang kasamahang mag-utol na sumasailalim sa 14-araw na quarantine dahil sa COVID-19 na ikinasawi ng isa sa Sitio Tigkay, Brgy. Magsaysay ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib sanhi ng agaran nitong kamatayan ay nakilalang si Cris Mark Astoveza, 24, habang nasa malubhang kalagayan sa Rural Health Unit (RHU) sanhi ng mga saksak sa dibdib at braso ang kanyang kuya na si Jhun, 38, may asawa; mga tubong San Miguel, Bulacan subalit pansamantalang nakatira sa Brgy. Pagsangahan, Infanta, Quezon dahil sa kanilang trabaho bilang obrero sa road construction.

Base sa ulat ng pulis­ya, bandang alas-8:00 ng gabi habang kuma­kain ang magkapatid sa loob ng bahay ni Carlos Atoveza na nagsisilbi nilang quarantine area nang dumating ang suspek na si Jeremy Miras, 24, binata ng nabanggit na lugar at walang sabi-sabing pinagsasaksak si Cris.

Tutulungan sana ni Jhun ang kapatid subalit maging siya ay pinagsasaksak din ng suspek.

Mabilis na tumakas ang suspek nang akma na siyang tatagain ng sumaklolong si Bernie Pujeda, bayaw ng mga biktima.

Nabatid na nasa pang-walong araw na ng quarantine ang mga biktima at suspek at kanila umanong pinagtatalunan ang nabinbin nilang trabaho dahil sa COVID pandemic na siyang hinihinala ng pulisya na pinag-ugatan ng pananaksak sa magkapatid ng kanilang kasamang sumasailalim din sa quarantine.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with