Dalagita kinatay ng adik na bayaw!

Ayon kay Pat. Rolando Periodico Jr, may hawak ng kaso, alas-11:30 ng habang mahimbing na natutulog ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto at iba pang mga kasama sa bahay na bigla siyang pasukin ng bayaw.
STAR/ File

12 beses sinaksak habang natutulog

CAVITE , Philippines — Karumal-dumal ang pagkasawi ng isang 16-anyos na dalagita sa kamay ng sariling bayaw na hinihinalang adik sa ilegal na droga matapos siyang pagsasaksakan ng 12 beses habang natutulong sa kanilang tahanan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Pantihan 4, bayan ng Maragondon sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Jaymie Flores habang agad naaresto ng pulisya ang suspek na si Ricky Andallion, 30-an­yos, construction worker, pawang residente sa nasabi ring lugar.

Ayon kay Pat. Rolando Periodico Jr, may hawak ng kaso, alas-11:30 ng habang mahimbing na natutulog ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto at iba pang mga kasama sa bahay na bigla siyang pasukin ng bayaw.

Tila wala umano sa sarili na tumayo ang suspek sa tabi ng natutulog na dalagita habang hawak ang isang balisong at dito na niya inundayan ng sunud-sunod na saksak.

Ayon sa suspek, tila may bumubulong sa kanya na pagsasaksakin ang biktima dahil ang ti­ngin niya rito ay sa isang hayop.

Sinabi ni Pat. Periodico na malamang umanong nasobrahan sa paggamit ng droga ang suspek kung kaya nakaranas ng hallucination.

Nakatakdang isai­lalim sa medical examination ang suspek na ngayon ay tulala at wala sa sarili.

Show comments