Inilaglag na sanggol sa Baguio, positibo sa COVID-19

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 ang isang anim na buwang sanggol na umano’y sapilitang iniluwal ng kanyang ina sa Baguio General Hospital and Medical Center kamakalawa.

Ayon sa pulisya, namatay ang sanggol matapos ang ilang oras habang tumambad ang hinalang sadyang inilaglag ito ng inang 23-anyos na isang call center agent.

Nabatid na narekober ng mga doktor sa lagusan ng ari at sinapupunan ng ina ang anim na tabletang “Misoprostol” na ginagamit sa pagpapalaglag ng bata.

Ayon sa awtoridad, minabuting kunan ng swab samples ng mga doktor ang ina at mga labi ng sanggol kung saan lumabas ang resulta ng huli na positibo sa virus.

Hinihintay pa ng awtoridad  ang resulta ng pagsusuri sa ina na nahaharap sa kasong kriminal.

Show comments