^

Probinsiya

Mister na tumanggi na makipagbati sa kapitbahay, pinagtataga

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Sugatan at nagpapagamot ngayon sa hospital ang isang 37-anyos na mister matapos pagtatagain ng kaalitang suspek na pumunta sa birthday celebration ng kanyang misis na may dalang tinapay at nakikipagkasundo makaraang tanggihan nito ang peace offering sa Sitio Warang, Brgy. San Miguel sa bayan ng Baras, Ca­tanduanes.

Isinugod sa Eastern Bicol Medical Center sa bayan ng Virac dahil sa tinaga sa mababang bahagi ng kaliwang dibdib at kanang braso ang biktimang si Romeo Samoy Robles habang tinutugis ng mga pulis ang tumakas na suspek na si Victor Vergara Tatac, 25, pawang residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-7:00 ng gabi habang nakikipag-inuman sa kanilang bahay ang biktima kaugnay ng pagdiriwang sa kaarawan ng kanyang asawa nang sumulpot ang kaalitang suspek na may dala pang peace offering na ilang piraso ng tinapay at gustong makisalo sa inuman.

Gayunman, marahil napahiya ito nang tanggihan kaya umuwi ang suspek at nang bumalik armado na ng itak saka walang kaabog abog na pinagtataga ang biktima.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with