Dalaga na HVT tiklo sa P2 milyong shabu

Kinilala ang suspek na si Ann Joy Blanco Dimabayao, residente sa nasabing lugar at itinuturing na high value target sa recalibrated database ng drug personalities ng pulisya.
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kalaboso ang 26-anyos na dalaga matapos makuhanan ng P2-milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Zone-2, Brgy. San Juan sa Iriga City, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Ann Joy Blanco Dimabayao, residente sa nasabing lugar at itinuturing na high value target (HVT) sa recalibrated database ng drug personalities ng pulisya.

Sa ulat, dakong alas-7:50 ng gabi ay inilatag ng mga kasapi ng Iriga City Police, Regional Drug Enforcement Unit 5 at Regional Intelligence Division-Special Operation Unit sa pangunguna ni Lt. Col. Alejandro Monge ang buy-bust laban sa dalagang suspek.

Sa tulong ng confidential agent, na­kabili ang posuer buyer sa suspek ng isang bungkos na plastic na may lamang shabu sa halagang P50,000.

Nang magkabilihan ng droga, dinakma agad ang suspek. Nang tingnan ng mga operatiba ang dala nitong plastic bag ay may lamang apat na bungkos ng transparent plastic ng shabu na nasa 294.1 gramo na nagkakahalaga ng P2-milyon.

Show comments