Ex-militar napatay sa drug ops
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

DIGOS CITY, Philippines — Patay ang isang 35-anyos na dating intelligence member ng 39th Infantry Battalion matapos na manlaban sa mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Jose Abad Santos Sr., Brgy. Zone 3, Digos City sa lalawigan ng Davao del Sur, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Lt. Col. Vici Anthony Ta­baba, ang acting PNP Chief ng Digos City PNP ang nasawi na si Sgt. Reginald Labajo, mi­yembro ng 39th IB na nakabase sa Makilala, North Cotabato.

Ang drug buy-bust operation ay isinagawa, alas-10:07 ng gabi ng pinagsanib na puwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit-XI, Talomo Police Station kasama ang Digos City PNP at PDEA Davao del Sur pero nabatid umano ng suspek na pulis undercover ang kanyang ka transaksiyon dahilan para bumunot ito ng kanyang baril at pinaputukan ang mga ope­ratiba.

Hindi naman tina­maan ang mga opera­ting team, pero gumanti rin ng putok ang mga otoridad dahilan ng pag­kasawi nito.

Nakuha mula sa pag-iingat ng sunda­long suspek ang apat na pa­kete ng iba’t ibang laki ng shabu na tumitimbang ng 40.67 na gramo na tinatayang nagkaka­halaga sa P276,555, (1) unit 9 mm caliber, Glock 17 na may mga magazine.

BUY BUST SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with