2 patay sa road mishap sa Cavite

Kinilala ang mga nasawi na sina Leonida Guil­lermo, 64-anyos, may asawa ng Brgy. Bagbag 2, Rosario, Cavite at Ronald Bryan De Duque, 33, ng Villa Celina Town Homes, Brgy. Bayan Luna 7, Imus City.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Dalawa ang patay kabilang ang isang lola habang isa ang nasa kritikal na kondisyon matapos ang magkahiwalay na aksidente sa lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Leonida Guil­lermo, 64-anyos, may asawa ng Brgy. Bagbag 2, Rosario, Cavite at Ronald Bryan De Duque, 33, ng Villa Celina Town Homes, Brgy. Bayan Luna 7, Imus City.

Nakatakda namang operahan sa mukha ang driver ng motorsiklo na nakabangga kay Guillermo na si Marlo Olaso, 24, binata, office staff ng Brgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-8 ng gabi habang nagla­lakad ang matanda sa gilid ng kalsada at pauwi na nang mahagip ni Olaso na lulan ng Yamaha Aerox motorcycle sa Brgy. Bagbay 2, Rosario. Tumilapon ang biktima habang sumemplang ang motor at humampas ang mukha ng rider sa kalsada. Dead-on-arrival sa pagamutan ang lola habang agaw-buhay ang motor rider.

Nauna rito, alas-4:30 ng hapon nang matumbok ni Roberto Sumague, 73, ng Brgy. Maguyam, Silang lulan ng isang owner type jeep (DFP 524) ang Rusi motorcycle rider na si De Duque habang papaliko ang una upang mag-U-turn sa Brgy. Maguyam, Silang. Tumilapon ang biktima at nagpagulung-gulong sa kalsada na idineklarang patay sa pagamutan.

Show comments