Agro-technician pisak sa trailer bed

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - July 29, 2020 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines  – Agad na nasawi ang isang agronomy technician matapos salpukin ng isang trailer bed na humiwalay sa isang sasakyan sa Luna, Isabela kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Elizar Abad Jr., 35-anyos at residente ng Brgy. Paraiso, Cabatuan, Isabela.

Sa ulat ng Luna Police, sakay sa kanyang Honda XR 150 na  motorsiklo si Abad at tinatahak ang kahabaan ng national highway sa Barangay Harana nang salpukin siya ng trailer bed na nakalas mula sa kasalubong na isang puting Strada pickup truck.

Patungo umano sa bayan ng Cabatuan ang hindi pa natutukoy na dri­ver ng pickup nang ­bigla umanong humiwalay ang nakakabit na trailer bed sa likurang bahagi ng pickup nito sanhi upang tumama sa biktima na nasa kasalungat na linya.

Sa lakas ng bangga, agad nasawi ang biktima matapos mapuruhan sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan habang mabilis na tumakas ang driver ng pickup.

TRUCK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with