^

Lady kagawad pinasok, kinatay sa bahay

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - July 28, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay at naliligo sa sari­ling dugo sa loob ng kanyang bahay nang matagpuan ng mga kaanak at residente ang isang 60-anyos na barangay kagawad matapos na pasukin at pagsasaksakin ng suspek sa Brgy. San Sebastian, Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa.

Nagtamo ng maraming saksak sa katawan at agad namatay ang biktimang si Harriet Barrameda Serra, residente at incumbent barangay kagawad ng nasabing lugar habang tumakas pero agad ring naaresto ang suspek na si Ronel Aballe Gojoscros, 27-anyos.

Sa ulat, dakong alas-12:15 ng madaling araw habang nasa loob ng kanyang bahay ang biktima nang biglang pumasok ang lasing na suspek na armado ng patalim at pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang una saka mabilis na tumakas.

Sa follow-up operation ng pulisya, natukoy at nadakip ang suspek dakong alas-2 ng madaling araw sa kanyang pinagtataguan.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with