Pinay worker na positibo sa COVID-19, nagpakasal

Rhode­rick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2020 - 12:00am

SOUTH COTABATO, Philippines — Nagsasagawa na ng contact tracing ang local government sa mga dumalo sa kasal at sa mga nakasalamuha ng isang 31-anyos na babaeng overseas Filipino worker (OFW) na positive sa COVID-19 na umuwi sa kanilang lugar sa Barangay Lamba, Banga at nagpakasal pa.

Ayon kay Banga Mayor Albert Palencia, sasampahan nila ng reklamo ang nasabing OFW, makaraang hindi nito tinapos ang kanyang 14-day home quarantine at nagpakasal pa umano noong July 8 matapos umuwi galing Kuwait at nakumpirmang nagpositibo sa COVID-19.

Para mapigilan ng pagkalat ng COVID-19 isinailalim sa limang araw na lockdown ang LGU ang buong Sitio ng Awal.

Sinabi ni Palencia na sa ngayon dala­wampu’t anim pa lamang sa mga nakasa­lamuha ng COVID-19 patient ang na-trace ng mga health personnel ng Banga-LGU.

Umapela naman si Palencia sa mga mamamayan ng Banga na huwag mabahala dahil sa ngayon ay nasa isolation facility na ang OFW kasama ang kanyang mister at anak.

Kaugnay nito, sinabi naman ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. na dapat mabigyan ng leksyon ang mga mamamayan na lumabag sa CO­VID-19 protocol.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with