Kaso ng COVID sa Nueva Ecija, 108 na

Ayon kay Governor Aurelio Umali, chair ng NE-IATF, bagaman at tumaas ang bilang ng nagkakasakit sa lalawigan ay marami rin naman ang gumagaling sa COVID-19.
The STAR/Miguel de Guzman, file

NUEVA ECIJA, Philippines — May tatlong katao ang nadagdag sa talaan ng DOH-Nueva Ecija na positibo sa COVID-19 kaya umabot na sa 108 ang kumpirmadong kaso ng nasabing sakit sa lalawigan kahapon.

Tinukoy ng Nueva Ecija Inter-Agency Task Force on COVID-19 (NE-IATF), ang tatlo ay tinakoy na Patient #106, isang 23-anyos na binata, auditor sa Duty Free Phils. sa Parañaque City, at residente ng Barangay Sto. Niño, Gapan City; Patient #107 na isang 32-anyos na seafarer, may-asawa ng Bgy. Carmen, Zaragoza, NE; Patient #108 na 42-anyos na lalaki, may-asawa, taga-Brgy. Bonifacio, Cabanatuan City at nagtatrabaho bilang isang driver sa International Contracting Agency sa Al Khobar, KSA.

Ayon kay Governor Aurelio Umali, chair ng NE-IATF, bagaman at tumaas ang bilang ng nagkakasakit sa lalawigan ay marami rin naman ang gumagaling sa COVID-19.

Show comments