2 Chinese, Pinay arestado sa P6.8 milyong shabu buy-bust
Kinilala ni P/Lt. Col. Ismael Gauma, acting chief ng Sta. Maria Police ang dalawang naarestong Chinese na sina Tony Ang, 43, ng Block 1, Lot 7, Camella Prominenza, Brgy. Pagal, Baliwag, Bulacan at Feiyue Shi, 54, habang ang kasamang Pinoy ay si Elgine Monzaga alyas “Inday”, 23, ng Block 78, Lot 3-4, Mary Village, 5A Northville, Brgy. Caysio, Sta. Maria, Bulacan.
STAR/KJ Rosales, file
2 Chinese, Pinay arestado sa P6.8 milyong shabu buy-bust
Doris Franche, Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - July 9, 2020 - 12:00am

STA. MARIA, Bulacan, Philippines  --  Isang kilo ng ipinagbabawal na droga na nagkakahalaga ng P6.8 milyon ang nakumpiska sa dalawang Chinese national at isang Pinay ng pinagsanib na puwersa ng Philip­pine Drug Enforcement Agency  at Sta. Maria Police sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. Caysio ng nasabing bayan.

Kinilala ni P/Lt. Col. Ismael Gauma, acting chief ng Sta. Maria Police ang dalawang naarestong Chinese na sina Tony Ang, 43, ng Block 1, Lot 7, Camella Prominenza, Brgy. Pagal, Baliwag, Bulacan at Feiyue Shi, 54, habang ang kasamang Pinoy ay si Elgine Monzaga alyas “Inday”, 23, ng Block 78, Lot 3-4, Mary Village, 5A Northville, Brgy. Caysio, Sta. Maria, Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-11:50 ng gabi nang maaresto ang tatlong suspek sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing barangay.

Nang magkabigayan ng shabu at marked money, hindi na nagawang manlaban ng mga suspek nang sila ay arestuhin ng mga nakapalibot na PDEA agents at  pulis sanhi ng pagkakasamsam ng isang kilong shabu,

Nabawi rin sa mga suspek ang isang Toyota Camry, isang BIR ID at iba pang personal na kagamitan.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with