Mister pinatay ng misis dahil sa pera
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - July 3, 2020 - 12:00am

Legazpi City, Albay, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng isang 45-an­yos na mister sa kamay ng kanyang 29-anyos na kabiyak matapos siyang saksakin nito ma­karaang mag-away, kamakalawa ng gabi sa kanilang bahay sa Purok-3, Brgy. Bulala, Sta. Elena, Camarines Norte, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na na­matay habang nilalapatan ng lunas sa Rosary Virgin Mary Hospital ay nakilalang si Emmanuel Aquino Andes.Sumuko naman sa mga barangay official at dinala sa Sta. Elena Police ang misis nitong si Franz Gretchen.

Sa ulat, alas-8:45 ng gabi ay umuwing lasing ang biktima na kinompronta ng misis dahil sa problema sa pamilya at pera ay nag­lalasing pa ito na nauwi sa mainitang pag­tatalo.

Sa gitna ng pagta­talo ay nakakuha ng kutsilyo ang misis at sinaksak sa kaliwang bahagi ng tiyan ang mister na agad bumulagta.

Agad na isinugod ng mga kaanak at kapitbahay sa ospital ang du­guang biktima pero namatay habang nilalapatan ng lunas. Kasong parricide ang hinaharap ngayon ng miisi na nakakulong na sa police station.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with