Lady trader inutas bago tinangay ang sasakyan

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang 58-anyos na babaeng negosyante makaraang ratratin ng ‘di pa nakilalang mga gunmen habang naglalakad sa tabing daan sa Tuazon Subdivision sa Brgy. Poblacion, Polomolok South Cotabato,kamakalawa.

Kinilala ng Polomolok Police na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Marvin Duadua ang biktima na si Joy Manalo, 58, at nakatira sa Brgy. Polunoling sa karatig bayan ng Tupi. Matapos barilin ang biktima kinuha pa ng mga salarin sa bulsa nito ang susi ng sasakyang Mitsubishi Strada pick-up ng biktima saka tinangay pasado alas-4:00 ng hapon.

Pero makalipas ang ilang oras, nakita ng mga pulis ang nasabing sasakyan na inabandona ng mga suspek sa Purok Malinawon, Barangay Cannery Site, Polomolok. Ito ay matapos isumbong ng isang concerned citizen. Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang dalawang mga suspek at ano ang motibo ng mga ito sa pagpatay sa negos-yanteng biktima. a

Show comments