Lineman kisay sa poste

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Patay ang isang lineman ng construction company matapos na makuryente habang itinatayo ang poste at aksidenteng tumama sa kable ng kuryente sa Brgy. Kinale, Polangui, dito sa lalawigan kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isugod sa Zone Medical Hospital sa Ligao City pero idineklarang patay ang biktimang si Prince Hanes, nasa hustong gulang, kawani ng Wiltech Construction and Supply at residente ng Sipocot, Camarines Sur.

Sa pahayag sa Polangui Police ng kasamahang si Elesio Verano Jr., driver ng boom truck, dakong alas-6 ng gabi habang inaalalayan ng biktima ang itinatayo nilang poste nang aksidenteng tumama ang dulo nito sa primary tension wire dahilan para mangisay ang biktima. Mabilis na isinugod ang biktima sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay.

Show comments