Bangka pumalya: 8 pulis, 1 pa nasagip ng PCG

MANILA, Philippines — Nailigtas ng mga maagap na tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa walong tourist police at isang sibilyan na sakay ng isang bangkang de-motor na nanganib na lumubog sa karagatang sakop ng Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasagip na sina P/SSgs. Harry Narial, 43; Andrei Abesamis, 37; Ma. Suzette Bayag-o, 31; PCpls. Marry Jane Basilan, 38; Naty Edas, 33; Patrolmans Nurina Asdi, 37; Laurence Palomino, 34 at Glen Ibasko, 32. Nabatid na pa­wang mga miyembro sila ng Cavite Tourist Police Station.

Kasama ring nailigtas ang operator ng bangka na si Ramon Subay, 43, residente ng Tanza, Cavite.

Sa ulat, nakatanggap ang PCG-Cavite Station ng distressed signal mula sa isang motor banca na nasa 5.62 nautical miles sa timog sila­ngan ng Tanza, Cavite dakong alas-7:41 ng gabi. Nagkaroon ng engine trouble ang motor banca na “Neslyn” at halos kumalahati na rito ang napasok ng tubig-dagat, isang oras bago sila mailigtas ng PCG sa ikinasang search and rescue operation sa dagat.

 

Show comments