Ang suspek na si Brgy. Chairman Dirimpasan Pangandag na Number 1 drug pusher ng Region 4-A matapos dumayo at mapaslang sa buy-bust operation sa Brgy. Concepcion Grande sa Naga City, Camarines Sur kamakalawa.
Jorge Hallare
Tserman na HVT, todas sa shootout
Jorge Hallare, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang barangay chairman na itinuturing na high value target (HVT) dahil sa umano’y pagtutulak ng iligal na droga matapos na mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Naga City, Camarines Sur nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang napatay sa shootout na si ­Dirimpasan Unte Pangandag, incumbent chairman ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite na may mga alyas na “Chairman at Bong”, 51-anyos at nakatala na Number 1 sa Regional Recalibrated Priority Data Base on Illegal Drugs ng Region 4A.

Sa ulat ng Naga City Police Office, dakong ala-1:20 ng hapon nang maglunsad ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng Naga City Police, Cavite Police Provincial Office (PPO), at 9th Infantry Division ng Philippine Army laban kay Pangandag sa nasabing lugar.

Nakipag-deal umano ang isang police poseur buyer sa suspek sa Almeda highway sa Concepcion Grande sa Naga City upang ibigay ng una ang binibiling shabu. Gayunman, nakahalata umano ang suspek na pulis ang katransaksyon dahilan upang bumunot siya ng baril at paputukan ang mga operatiba. Dito’y nagkaroon ng maikling palitan ng putok sa pagitan ng mga operatiba at suspek na ikinasawi ng huli.

Nakuha sa operasyon ang dalawang sachet ng shabu (P28,000), isang P1,000 buy-bust money, tatlong rolyo ng marijuana, isang cal. 45 baril na pag-aari ng nasabing tserman at isang SUV na Toyota Fortuner na gamit nito sa pakikipagtran­saksyon.

DIRIMPASAN UNTE PANGANDAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with