^

Probinsiya

Trak salpok sa trike: Mister patay, 3 grabe

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Trak salpok sa trike: Mister patay, 3 grabe
Patay ang isang mister na pasahero ng tricycle at malubhang nasugatan ang kanyang misis at 1-taong gulang na anak matapos silang banggain ng truck sa kahabaan ng Rizal St., Brgy.18, Cabangan, Legazpi City, Albay kamakalawa ng gabi.
Jorge Hallare

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang isang 20-anyos na mister habang malubhang nasugatan ang kanyang misis, 1-taong gulang na anak at ang driver ng sinasakyang tricycle nang banggain sila ng kasalubong na truck sa Rizal Street, Brgy.18, Cabangan, dito sa lungsod kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang si Niño Conde Mula, ng Brgy. San Roque, Legazpi City habang nilalapatan ng lunas ang 18-anyos na asawang si Princess Nikki Aquino, ang lalaking sanggol at driver ng tricycle na si Louie Sodsod.

Sa ulat, dakong alas-11:15 ng gabi sakay ng tricycle (EC-36195) ang mga biktima mula sa sentro ng Legazpi City patungong Albay District nang pagdating sa nasabing lugar ay sinalpok sila ng kasalubong na Isuzu truck (CAN-5255) na minamaneho ni Samuel Mabini Pingad na nag-overtake sa itim na pickup.

Sa lakas ng pagkakabangga, halos mawasak ang sidecar ng tricycle at tumilapon sa kalsada ang mga sakay nito.

Arestado ang driver ng trak na nakatakda nang sampahan ng kaso.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with