2 todas sa road mishap

LINGAYEN, Pangasinan - Dalawa katao ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa magkahiwalay na aksidete sa Bayambang at Binalonan, dito sa lalawigan. Kinilala ang mga nasawing sina Juny Agas, 27 ng Brgy. Bani, Bayambang, at Lita Pasamonte, 58, ng Mangaldan, samantalang ang mga nasu-gatan ay sina Justine Velasco,16, ng Bayambang at Denmark Pasamonte, 25 ng Mangaldan.

Base sa ulat, binabagtas ni Agas ang kahabaan ng highway kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Bani, Bayambang angkas si Velasco nang mawalan ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa gutter ng kalsada. Si Agas at si Velasco ay isinugod sa Bayambang District Hospital subalit hindi na umabot ng buhay ang una.

Kapwa nakainom ang mga biktima. Samantala, magkaangkas ang mag-inang Lita at Denmark Pasamonte sa isang motorsiklo na minamaneho ni Denmark sa kahabaan ng provincial road sa Brgy. Linmansangan, Binalonan kamakalawa ng umaga nang biglang may tumawid na aso na kanilang iniwasan pero sila ay sumemplang. Isinugod ang mag-ina sa Urdaneta City District Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival ang ginang.

Show comments