18 hepe ng pulisya sibak sa ‘poor performance’

Ayon kay P/Brig. Gen. Angelito Casimiro, regio­nal police director walo mula sa lalawigan ng Cagayan habang 10 naman na mga hepe mula sa lalawigan ng Isabela ang nasibak sa puwesto dahil sa mababang ra-ting batay sa resulta ng evaluation na isinagawa sa mga opisyal.
File

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Nasa 18 na chief of police sa lalawigang ito at sa Cagayan ang sinibak sa puwesto dahil sa “low performance” sa kampanya laban sa iligal na droga at sugal, batay sa resulta ng Individual Commanders Evaluation Rating (ICER) ng PNP.

Ayon kay P/Brig. Gen. Angelito Casimiro, regio­nal police director walo mula sa lalawigan ng Cagayan habang 10 naman na mga hepe mula sa lalawigan ng Isabela ang nasibak sa puwesto dahil sa mababang ra-ting batay sa resulta ng evaluation na isinagawa sa mga opisyal.

“They are being relieved from their posts because they failed to deliver the expected outputs, especially on the war on drugs, anti-illegal gambling and also on internal clean-sing,” pahayag ni Casimiro.

Ayon kay Casimiro, nagtalaga na ang Cagayan Police Office ng mga bagong hepe sa mga bayan ng Abulug, Alcala, Amulung, Iguig, Gonzaga, Claveria, Lallo at Tuao matapos na tanggalin sa puwesto ang mga hepe rito. Kasalukuyan naman na hinihintay ang resulta ng evaluation sa mga hepe ng pulisya sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya, Quirino at Batanes.

Show comments