Doktor kinidnap

SULU, Philippines — Dinukot ng mga ‘di pa kilalang armadong kalalakihan ang isang doktor sa loob ng kanyang mismong clinic sa Brgy. Walled City, Jolo, Sulu gabi nitong Martes.

Sa ulat kay Major Arvin John Encinas, ang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command kinilala ang dinukot na si Dr. Daniel Moreno, nasa hustong gulang.

Sapilitang isinakay ang biktima sa isang van at tinangay patungo sa hindi matukoy na direksyon, pasado alas-7:00 ng gabi. Patuloy ang ginagawang ope­rasyon ng mga otoridad para matugis ang mga suspek at makuha ang kanilang bihag na doktor.

Show comments