_ngayon
^
NPA todas, 2 parak sugatan sa shootout
Bulagta ang isa sa tatlong miyembro umano ng Sparrow Unit ng NPA makaraang manlaban sa inilatag na checkpoint ng mga awtoridad sa Brgy. Banahao, Dimasalang, Masbate kamakalawa.
Jorge Hallare

NPA todas, 2 parak sugatan sa shootout

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  - Bulagta ang isang pinaghihinalaang kasapi ng Sparrow Unit ng New People’s Army at naaresto ang isa pa habang sugatan ang dalawang pulis matapos pumalag ang mga rebelde sa ginawang checkpoint ng mga otoridad sa Brgy. Banahao, Dimasalang, Masbate kamakalawa ng hapon.

Patuloy na kinikilala ang napaslang na rebelde habang nakilala ang nadakip na si Nathaniel Colon, barangay kagawad ng Brgy. San Antonio, Palanas at nagsilbing driver ng motorsiklo. Nakatakas naman ang isa pa nilang kasamang umano’y “kadre”.

Nilalapatan naman ng lunas sa Masbate Doctors Hospital sa Masbate City sina Cpl. Noriel Fabon, 33-anyos at Pat. Julian Loria, 26-anyos, pawang kasapi ng Dimasalang Police, matapos masugatan sa shootout.

Sa ulat ni Major Ma. Luisa Calubaquib, ta­gapagsalita ng Camp Gen. Simeon Ola, ala-1:30 ng hapon nang maharang at sitahin ng mga pulis sa pangunguna ni Capt. Reiner Teofilo ang tatlong suspek habang sakay ng Bajaj motorcycle sa inilatag na checkpoint sa kahabaan ng highway sa nasabing lugar. Gayunman, sa halip na tumigil, pinagbabaril ng mga suspek ang mga pulis na agad ikinasugat nina Fabon at Loria. Gumanti naman ng putok ang mga pulis dahilan para mapuruhan at agad masawi ang isa habang sumuko si Colon at nakatakas ang isa pang kasamahan.

MASBATE DOCTORS HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with