^

Probinsiya

5-anyos pinagpapalo ng stick ng ama, patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
5-anyos pinagpapalo ng stick ng ama, patay
Naaresto naman sa follow-up operation ng pulisya ang suspek na si Judilou Dioso, 25-anyos, helper mechanic, ng nasabi ring lugar.
STAR/File

 Tumangging kumain habang may sakit

CAVITE, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 5-anyos na batang babae sa kamay mismo ng sariling amang mekaniko matapos siyang paghahatawin ng stick o patpat dahil sa pagtanggi nitong sumubo ng pagkain habang may sakit at nanghihina sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Osorio, Trece Martires City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Chezca Loraine Dioso, isang kindergarten at residente ng Purok #2 Brgy. Osorio, Trece Martires City na idineklarang dead-on-arrival sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH).

Naaresto naman sa follow-up operation ng pulisya ang suspek na si Judilou Dioso, 25-anyos, helper mechanic, ng nasabi ring lugar.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Eileen Cruto, sinabi ng ina ng biktima na si Hazel Mae Sanchez, 22-anyos, na may sakit ang anak at mataas ang lagnat nito. May limang araw na umanong masama ang pakiramdam ng anak kung kaya nakahiga lamang at hindi rin nakakakain nang maayos.  Dakong alas-6:30 ng gabi nang lapitan umano ng mister ang anak at pilit na pinakakain. Gayunman, umayaw ang bata dahil sa masama ang panlasa nito bunsod nga ng kanyang matinding lagnat.

Dahil dito, sapilitan pa ring sinubuan ng ama ang anak dahilan upang sumuka na ikinagalit ng una. Bigla na lang kumuha ng patpat ang ama at dito na niya pinagpapalo ang anak na may sakit.

Lumupaypay ang biktima sa mga hampas ng patpat ng ama at nang makita siya ng kanyang ina ay agad na itinakbo sa nasabing ospital subalit sa kamalasan ay idineklarang patay ng mga manggagamot.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with