Lolo nalibing nang buhay

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines – Isang lolo ang nali­bing nang buhay matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Kayapa, Nueva Vizcaya kamakalawa ng tanghali. Kinilala ang biktima na si Nason Window, 62, magsasaka, ng Barangay Pangawan sa nasabing bayan. Sa ulat, kasalukuyan noon na tinatanggal ng biktima ang gumuhong lupa na humarang sa daan nang biglang gumuho muli ang lupa dahilan para siya ay malibing nang buhay dakong alas-11:00 ng tanghali. Mabilis na rumesponde ang mga opisyal ng barangay at iba pang mga residente na nagtulung-tulong para ma-rescue ang matanda subalit hindi na gumagalaw nang marekober.

Show comments