Eksaktong alas-10:00 ng gabi ng nasabi ring araw, nalagutan ng hininga ang ginang na si Corazon Indon, 58-anyos habang ginagamot sa Bulacan Medical Center sa Malolos, Bulacan bunga ng tama ng punglo sa ulo.
STAR/File
Partner ng itinumbang trader, patay na
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Pumanaw na rin ang live-in-partner ng negos-yanyeng napatay ng riding-in-trio noong Huwebes ng umaga sa Brgy. Sto. Niño, Paombong, lalawigang ito.

Eksaktong alas-10:00 ng gabi ng nasabi ring araw, nalagutan ng hininga ang ginang na si Corazon Indon, 58-anyos habang ginagamot sa Bulacan Medical Center sa Malolos, Bulacan bunga ng tama ng punglo sa ulo.

Si Indon ay live-in-partner ni Bernardo Umali, 48-an-yos, negosyante at retiradong seaman ng Wawa II, Brgy. San Sebastian, Ha­gonoy, Bulacan na pinagbabaril ng tatlong suspek noong Huwebes ng umaga.

Dead-on-the-spot si Uma­li na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan habang tinamaan din sa ulo si Indon.

Ayon kay P/Col. Emma Libunao, Acting Bulacan Police Director, posible umanong may kinalaman sa droga ang pagpatay sa negosyante.

Napag-alaman na si Uma­li ay nasa Drug Enforcement Watchlist at sangkot umano sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga.

Masusi pang iniimbestigahan ng mga pulis kung onsehan sa transaksyon sa droga ang motibo sa pagkakapaslang sa retiradong seaman.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with