Shabu tiangge ni-raid sa Abra, 3 timbog

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Mahigit P70,000 hala-ga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang raid sa isang tiangge ng droga sa Brgy. Sinapangan, Bangued, Abra kamakalawa. Sa report ni Philippine Drug Enforcement Agency Cordille­ra Director Edgar Apalla, ang droga na nakasilid sa 9 na sachet ay nare­kober ng mga operatiba na gumamit ng K9 dogs sa lungga ng mga inarestong sina Reymond Bayle, 35; Marcela Imelda Belmonte, 44, at Christian JC Dungca, 23, na pawang nasa drug watchlist ng pulisya. Nakuha rin sa lugar ang sari-saring drug paraphernalia na ginagamit ng mga parokyano ng mga naaresto sa kanilang drug den dagdag ni Apalla.

 

Show comments