Agad nasawi habang nakaupo sa driver’s seat dahil sa tama ng punglo sa ulo at kamay ang biktimang si Virgilio Alvin Quinones, binata, ng Almasiga Street, Happy Homes Pamorangon, Daet.
STAR/File
DepEd official pinasok sa kotse, inutas
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay sa loob ng kanyang kotse ang isang 46-anyos na senior education program specialist ng Department Of Education (DepEd) Division Office ng Daet matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman habang naka-park sa tabi ng Maharlika National Highway sa Sitio Vinzons Mat-i, Brgy. Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

Agad nasawi habang nakaupo sa driver’s seat dahil sa tama ng punglo sa ulo at kamay ang biktimang si Virgilio Alvin Quinones, binata, ng Almasiga Street, Happy Homes Pamorangon, Daet.

Sa pahayag ng saksing si Jeffrey Buelba Lanit, 38-an­yos, habang sakay ang biktima sa nakahimpil nitong To­yota Wigo (ECR-4268) sa tabi ng highway nang dumating ang isang motorsiklo saka siya tinabihan. Bumaba umano ang angkas na lalaki at binuksan ang pinto sa hulihang bahagi ng kotse ng biktima at pumasok. Gayunman, ilang saglit lang ay nakarinig na ang saksi ng putok ng baril at nakitang tumatakbong tumawid sa kalsada ang suspek saka sumakay sa puting SUV na mabilis humarurot patungo sa direksyon ng bayan ng Daet. Tumakas din ang kasama nito na lulan ng motorsiklo.

Ayon sa mga pulis nagtamo ng tama sa ulo at kanang bahagi ng kamay ang biktima.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with