Kagawad itinumba habang nagti-text

Kinilala ang biktima na si Lanie Escalante Tereso, 62, kagawad at residente ng Purok 2, Brgy. Balibayon, Surigao City na idineklarang dead-on-the-spot sa tinamong dalawang tama ng bala sa ulo.
STAR/ File

SURIGAO DEL NORTE, Philippines — Dalawang tama ng punglo sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang barangay kagawad matapos na pagbaba-rilin ng riding-in-tandem habang abala sa pagte-text sa Brgy. Balibayon, Surigao City, Surigao del Norte nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Lanie Escalante Tereso, 62, kagawad at residente ng Purok 2, Brgy. Balibayon, Surigao City na idineklarang dead-on-the-spot sa tinamong dalawang tama ng bala sa ulo.

 Sa ulat ni Caraga Police Director Police Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr., bandang alas-3:21 ng hapon habang nakaupo ang biktima sa harapan ng Eviota Store at abala sa pagte-text nang duma-ting sa lugar ang mga armadong suspek na pumarada may anim na metro ang layo sa ki-naroroonan ng biktima.

Agad na pinaputukan ng mga suspek ng dalawang beses ang biktima na nasapol ng bala sa ulo na siyang agarang kumitil sa buhay nito bago nagsitakas.

Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas lulan ng kulay puti at itim na XRM motorcycle patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Show comments