3 miyembro ng pamilya sugatan

Away ng 2 kapitbahay…

CAVITE, Philippines --  Tatlong mi-yembro ng isang pamil­ya ang sugatan kabilang ang 70-anyos na lola at 9-an-yos na apo makaraang ta­maan ng mga bala mula sa dalawang kapitbahay na nag-away, sa unang araw ng pagpasok ng taon, kahapon ng ma­daling araw sa Brgy. Mabuhay Carmona Cavite.

Kinilala ng pulisya ang mga nasugatang biktima na sina Maria Bella Fontanilla, apong si Maria Bella Fontanilla; Anthony Fontanilla Aguila, 27.

Nasa kritikal namang kondisyon sa pagamutan si Gerry Martinez, 30-anyos, ang mismong nakaaway ng namaril na suspek na si Russel Carilimiman, 27, pawang mga residente ng Brgy. Mabuhay, Carmona, Cavite.

Sa imbestigasyon ni P/MSgt. Marlon Ramirez, dakong ala-1:20 ng mada-ling araw habang nagsasaya ang mga residente rito sa pagsalubong ng Bagong Taon nang magkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan nina Martinez at Carilimiman.

Nauwi sa matitinding palitan ng maaanghang na salita ang dalawa kung kaya sa sobrang pagka­pikon ni Martinez ay sinugod nito ng bolo at golf club bat si Carilimiman.

Dito na bumunot ng baril si Carilimiman at sinalubong ng sunud-sunod na putok ang biktima. Minalas namang mada­may ang tatlong nabanggit na biktima kabilang ang mag­-lola na nasa ‘di kalayuan lamang na masayang nanonood ng mga fireworks.

Kaagad na naitakbo ang mga biktima sa Pagamutang Bayan ng Carmona at kasalukuyan ngayong mga inoobserbahan habang inilipat sa PGH si Martinez na nagtamo ng matitinding tama ng mga bala sa dibdib at kanang bahagi ng ulo.

Matapos ang pamama-ril, mabilis na tumakas ang suspek na tinutugis na ng pulisya.

Show comments