^

Probinsiya

Bebot dedo sa ‘hit and run’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Bebot dedo sa �hit and run�
Sa lakas ng impact, tu­mi­­lapon ang biktima at su­madsad pa siya sa kalsada. Parang wala namang nangyari at dire-diretso sa pagmamaneho ang ‘di nakilalang driver at iniwan ng biktima.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Tumilapon at sumadsad sa kalsada na naging dahilan ng pagka-matay ng isang babae mula sa hindi nakilalang sasakyan na mabilis na tumakas matapos nitong mabundol ang biktima habang tumatawid sa kahabaan ng Molino Road, Bacoor City kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Madonna Camula, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Molino ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:27 ng madaling araw habang papatawid ang biktima sa pedestrian lane sa highway nang biglang araruhin ng ‘di namataang uri ng sasakyan.

Sa lakas ng impact, tu­mi­­lapon ang biktima at su­madsad pa siya sa kalsada. Parang wala namang nangyari at dire-diretso sa pagmamaneho ang ‘di nakilalang driver at iniwan ng biktima.

Naitakbo pa sa Metro South Medical Center ng mga susmaklolo ang bikti­ma subalit namatay rin.

vuukle comment

HIT AND RUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with