Tinedyer utas sa nililinis na mixer truck

Sa ulat ng pulisya, posibleng umanong hindi namalayan ng driver na naka-on din pala ang plangka ng cement mixer.
Michael Varcas

NORTH COTABATO, Philippines — Todas ang isang 17- anyos na obrero nang habang nililinis ang loob ng concrete mixer truck ay pinaandar ito ng ka­samahan nito, na naganap sa Brgy. Sanda­kan, Sultan Kudarat, Ma­guindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Datu Ali Acob, re­sidente ng Brgy. Dalu­mangcob sa bayan ng Sultan Kudarat sa nasabing lalawigan.

Sa ulat ng pulisya, posibleng umanong hindi namalayan ng driver na naka-on din pala ang plangka ng cement mixer.

Dakong alas-10:00 na ng umaga ng makuha sa loob ng mixer cement ang biktima habang tumakas naman ang dri­ver ng truck matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon, nag­lilinis sa loob ng ce­ment mixer ang biktima nang paandarin ng ka­sama ang truck at sabay na umikot ang cement mixer.

Hindi naman matanggap ng pamilya ng bik­tima ang sinapit ng me­nor-de-edad kung saan naulila ni Datu Ali ang misis nito at ang isang buwan na sanggol.

Show comments