^
Bus driver itinumba ng pasahero
Kinilala ang biktima na si Angelo Torralba, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Sahud Ulan, Tanza, Cavite.
File

Bus driver itinumba ng pasahero

Cristina Go-Timbang (Philstar.com) - November 19, 2019 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Patay ang isang bus driver makaraang pagbabarilin ng kanyang pasahero habang bumabagtas sa kahabaan ng Brgy.  Rafael 4, Novele­ta, lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Angelo Torralba, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Sahud Ulan, Tanza, Cavite.

Agad namang tumakas ang ‘di kilalang suspek matapos na pagbabarilin ang biktima tangay ang baril na ginamit.

Sa ulat, alas-8:00 ng gabi habang nagmama­neho ang biktima ng mini-bus na may biyaheng Cavite City nang pagsa-pit nila sa Brgy. Rafael 4 ay biglang tumayo ang suspek at lumapit sa naturang driver saka sunud-sunod na pinagbabaril na pinuntirya sa ulo.

Nang masigurong patay ang biktima, mabilis na bumaba ang suspek at sumakay sa isang motorsiklo na nakasunod sa bus bago tuluyang tumakas.

Sinisiyasat pa ng pulisya ang motibo ng pamamaslang.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with