^

Probinsiya

P98.6 milyong droga samsam sa drug ops

Joy Cantos - Philstar.com

MANILA, Philippines — Umiskor ang anti-drug operatives ng pulisya matapos na masamsam ang aabot sa P98.6 milyong halaga ng shabu at marijuana habang nasa 217 drug personalities ang nasakote sa loob ng isang linggong operasyon, ayon  sa opisyal nitong Lunes.

Sa ulat ni Central Visayas Police Director Police Brigadier Gene­ral Valeriano de Leon, mula Nobyembre 9-15, 2019 ay nakapagsagawa sila ng 131 police operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 217 drug suspects.

Narekober sa serye ng operasyon ang may 1,552,78 gramo ng shabu na nasa P10.5 milyon habang nasa 733,554.13 gramo o P88 milyon ng marijua­na ang nakumpiska.

Sa Central Visayas, ang Cebu City Police ang may pinakamaraming nasamsam na droga na aabot sa 888.55 gramo  na nasa P6,042,140 ang halaga, pangalawa ang Cebu Police Provincial Office (PPO) na nasa 374.50 gramo o P2,546,600 na halaga. 

Ang  Negros Orien­tal PPO ay nakarekober naman ng 205.11 gramo (P1,394,748), sa Mandaue City ay 56.95 gramo (P387,260); Lapu-lapu City PPO, 26.7 gramo (P181,560) at sa Bohol PPO,  0.97 gramo (P6,596).

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with