Ayon kay Acting Vice-Gov. Shirlyn Macasarte, apat na evacuation camps na kinabibilangan ng Brgy. Poblacion Elementary School, Saguing Ele­men­tary School, Minda­nao Ins­titute of Science and Technology at Santos Lands ang sinalanta ng malala­kas na hangin at ulan na may dalang yelo.
Geonarri Solmenaro/AFP
Tents ng quake victims winasak ng hailstorm
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

Makilala, North Cotabato, Philippines – Panibagong dagok ang naranasan ng mga biktima ng lindol na nasa mga temporary shelters partikular ang itinayong mga tent o trapal matapos na patumbahin ito ng hailstorm na nanalasa sa ilang bahagi ng lalawigang ito nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay Acting Vice-Gov. Shirlyn Macasarte, apat na evacuation camps na kinabibilangan ng Brgy. Poblacion Elementary School, Saguing Ele­men­tary School, Minda­nao Ins­titute of Science and Technology at Santos Lands ang sinalanta ng malala­kas na hangin at ulan na may dalang yelo.

Pinataob din ng mala­kas na hangin ang temporary shelters na gawa sa mga trapal sa Makilala at walang nagawa ang mga residente kundi maligo sa ulan.

Sinabi ni Macasarte na inihahanda na ng lokal na pamahalaan ang relokasyon ng mga residente sa mas ligtas na lugar ma­tapos ang hailstorm.

Nabatid na kasabay ng malakas na ulan bandang alas-3:45 ng hapon ay ang pagbagsak ng mga butil ng yelo sa ilang bahagi ng Makilala partikular sa Brgy. Saguing habang natumba ang ilang punong­kahoy dala ng malakas na hangin sa Malaang-Sa­guing Highway sanhi ng pag­bibigat ng daloy ng tra­­piko. Tumagal ng 15 minuto ang malakas na pag-ulan na may kasamang yelo.

NORTH COTABATO EARTHQUAKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with