Mister todas sa tumbok ng bus

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 53-anyos na mister matapos salpukin ng isang pampasaherong bus habang tumatawid sa kalsada sa Brgy. Raniag, Ramon, Isabela noong Linggo. Ang nasawing biktima ay kinilalang si Jaime Flora, residente ng naturang lugar. 

Sa ulat, dakong alas-10-:20 ng gabi, habang papatawid sa kalsada sa nasabing lugar ang biktima nang biglang sumulpot ang rumaragasang GV Florida bus (NAD7684) na minamaneho ng 55-anyos na si Adel Yabis at tinumbok ang biktima na tumilapon sa tindi ng salpok at nasawi noon din. 

Nasa kustodiya na ng pulisya si Yabis na ngayon ay sasampahan na ng kaukulang kaso.

Show comments