^
Top 4 most wanted huli sa sementeryo
Kinilala ni P/Major Dhefry Punzalan, hepe ng pulisya sa bayang ito ang suspek na si Ricardo Morite Jr., 27- anyos, production operator at residente ng 2C-717 Garizon St., Brgy. Ligtong 3, Rosario, Cavite.
File

Top 4 most wanted huli sa sementeryo

Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - November 2, 2019 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Habang nagtitirik ng kandila sa kanyang mahal sa buhay na nakalibing sa paggunita ng All Saints Day, dinakma ng mga operatiba ng Rosario Police ang isang 27-anyos na lalaki na umano’y top 4 most wanted person sa loob ng Profeta Memorial Cemetery sa Brgy. Silangan 2, Rosario, lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ni P/Major Dhefry Punzalan, hepe ng pulisya sa bayang ito ang suspek na si Ricardo Morite Jr., 27- anyos,  production operator at residente ng 2C-717 Garizon St., Brgy. Ligtong 3, Rosario, Cavite.

Ayon kay Punzalan, araw mismo ng mga patay nang magsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Warrant Section at Intel Operatives ng Rosario Police sa nasabing sementeryo bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma. Peaches Mesina-Cruz ng Municipal Trial Court ng Rosario, Cavite para sa kasong direct assault with less serious physical injuries.

Kasalukuyang kasama ng suspek ang buong pamilya at ilang kaibigan sa may puntod ng kanilang mahal sa buhay nang dakmain ng pulisya.

Sa tala, nasa ika-4 sa most wanted person ng municipal level ang suspek.

HULE MOST WANTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with