Sundalo utas, pulis sugatan sa sagupaan

Sa ulat, umabot ng 30 minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkasa-wi ni Corporal Felimon Naganag, 36-anyos ng Dangwa, Tabuk City at miyembro ng Special Forces ng Philippine Army.
File

BAGUIO CITY, Philippines — Isang sundalo ang patay habang sugatan ang isang pulis matapos ang engkuwentro sa pagitan ng government forces at mga komunistang grupo sa Brgy. Soquib, Besao, Mt. Province noong Huwebes ng hapon.

Sa ulat, umabot ng 30 minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkasa-wi ni Corporal Felimon Naganag, 36-anyos ng Dangwa, Tabuk City at miyembro ng Special Forces ng Philippine Army.

Nilalapatan naman ng lunas ang nasugatang pulis na si Patrolman Hebron Awisan, ng Regio-nal Mobile Force Battalion 15 ng Cordillera Police.

Nabatid na habang nagsasagawa ng foot patrol ang tropa ng mga sundalo at pulis sa pagitan ng mga boundary ng Brgy. Soquib, Besao at Balugan, Sagada, nang bigla silang paulanan ng bala ng mga komunistang rebelde ng Leo-nardo Pacsi Command ng NPA sa Mt. Province sanhi upang tamaan sina Naganag at Awisan.

Si Naganag ay nasawi sa ospital sa Besao town proper dakong alas-8 ng gabi noong Huwebes habang si Awisan ay nagpapagaling na sa tinamong tama ng bala sa kanang braso. Wala namang nalagas sa hanay ng mga rebelde na nagsitakas matapos ang pag-atake

Sinabi naman ng NPA spokesman na walang pakundangan pang nagpaputok ang puwersa ng gobyerno ilang oras matapos ang nasabing bakbakan sa mga agricultural lands at pasturelands na ikinatakot ng mga residente.

Show comments