Sa imbestigasyon, umawat sa pagtatalo ng mga bisitang sina Alex Bangcod, 25, at Christian Tolentino, 22, si Mayubay hanggang sa nakisawsaw ang grupo ni Riñen sa alitan at doon sumiklab ang rambulan.
File
Rambol sa birthday party: Tanod dedo
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Na­uwi sa madugong rambulan ang dapat sana ay masayang birthday party ng isang dalagita na ikinasawi ng isang 41-anyos na barangay tanod matapos katayin ng isa sa mga bisita sa Brgy. Aring, Badoc, Ilocos Norte kamakalawa. 

Kinilala ang napatay na si Joseph Mayubay habang ang nakapatay na suspek ay si Marck Rodel Riñen, 25, na kanyang kapitbahay.

Sa imbestigasyon, umawat sa pagtatalo ng mga bisitang sina Alex Bangcod, 25, at Christian Tolentino, 22, si Mayubay hanggang sa nakisawsaw ang grupo ni Riñen sa alitan at doon sumiklab ang rambulan.

Nagliparan ang mga upuan at bote sa sagupaan ng mga seng­lot sa dapat sa­na’y masayang pagdaraos ng kaarawan ng isang dalagita dakong alas-6 ng gabi.

Nagawang makatakas ni Riñen dala ang kutsilyong pinangkatay sa tanod na idineklarang patay sa isang pribadong pagamutan sa Sinait.

Dinampot naman ng mga nagrespondeng pulis ang grupo at kaanak ng suspek na sina Gerald Riñen, Roy Riñen, Roger James Cariaga at Erickson Reutirez upang maimbestigahan.

RAMBOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with