Bomb plot ng Sayyaf nasilat
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasilat ng tropa ng militar ang planong paghahasik ng terorismo ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) kasunod ng pagkakakuha sa anim na mga improvised na bomba makaraan ang engkuwentro ng magkabilang panig sa Brgy. Calang Canas, Maluso, Basilan kamakalawa.

 Ayon kay Major Arvin John Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines, bago ito ay nakatanggap ng report dakong ala-1:50 ng madaling araw ang Alpha Company ng 68th Infantry Battalion ng Philippine Army hinggil sa presensya ng mga armadong bandido sa nasabing lugar. 

Nagkaroon ng mainitang palitan ng putok ang mga sundalo at mga bandido na tumagal nang mahigit 30 minuto.

 Sa kasagsagan ng palitan ng putok ay nagtamo ng mga sugatan at pinaniniwalaang nalagasan din ng puwersa ang mga bandido na mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Habang nagsasagawa ng clearing operation ay narekober naman ng K9 personnels ng military ang anim na Improvised Explosive Device na itinanim ng mga bandido sa kahabaan ng Basilan Circumferential Road ng lalawigan.

ABU SAYYAF GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with