‘Tulak’ dedo, alalay ng mayor huli sa drug ops

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines — Bulagta ang isang drug suspect habang natimbog naman ang isang umano’y alipores ng mayor sa magkahiwalay na drug buy-bust operation sa San Jose City, Nueva Ecija at sa lungsod na ito kahapon.

Sinabi ni City Chief of Police Lt. Colonel Heryl Bruno na agad namatay si Christian De Guzman, 31-anyos ng Muñoz City matapos makipagratratan nang matunugan niya ang entrapment nang benta-han nito ng dalawang sachet ng shabu ang isang undercover agent sa Brgy. Calaoacan, San Jose City dakong ala-1:20 ng mada-ling araw. 

Nasamsam pa mula kay De Guzman ang baril niyang cal. 38 revolver na paltik, buy-bust money at motorsiklong gamit niya sa pagdedeliber ng droga.

Nauna rito, nadakip sa Tuguegarao City si Efren Mora sa parehong operas­yon sa Brgy. Leonarda sa tapat ng isang sabungan.

Ayon kay Lt. Colonel George Cablarda, hepe ng Tuguegarao City Police, tatlong sachet ng shabu, isang balot ng pinatuyong dahon ng marijuana at buy-bust money ang mga nakuha ng mga awtoridad kay Mora.

Sa rekord ng pulisya, alalay ng isang municipal mayor na ‘di tinukoy sa Cagayan si Mora na sumuko sa Oplan Tokhang noong 2016 saka siya nagtapos ng rehabilitation and wellness program ng PDEA pero muling bumalik sa paglalako ng droga.

Show comments