Bebot na HVT tiklo sa P1 milyong shabu

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines — Arestado ang isang babae na high value target (HVT) dahil sa umano’y pagiging drug peddler matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Regional Drug Enforcement Group, Regional Intelligence Division-3 at Police Station 3 sa Deocera Street, Purok 6, Brgy. Pulung Maragul, Angeles City noong Lunes ng gabi.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Regional Director P/Brig. Gen Napoleon Coronel, kinilala ang suspek na si Red Ayo, walang trabaho, residente ng nasabing barangay. Nasamsam sa suspek ang nasa 200 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P1-milyon ang halaga, mga drug paraphernalia at marked money.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments