Istriktong pamantayan sa pagkuha ng bagong pulis iniutos ng DILG
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inatasan ng Depart­ment of the Interior and Local Government (DILG) ang National Police Commission (NAPOLCOM) at Philippine National Po­lice (PNP) na maging is­trikto at ipatupad ang mataas na pamantayan sa pagkuha ng mga bagong pulis kasunod na rin nang pagbibigay nito ng ‘go signal’ na simulan­ na ang recruitment ng 10,000 karagdagang ba­gong police officers.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ang pinakamagandang pa­­­na­­­hon para alisin ang mga ‘undesirables’ o mga ‘di karapat-dapat na ma­ging pulis ay sa panahon pa lamang ng recruitment process.

Aniya, dapat na tiya­kin ng NAPOLCOM at PNP na ang iha-hire la­mang nila ay yaong may sapat na kakayahan, mo­rally upright at ipatutupad ang batas ng walang takot at pabor.

Nauna rito, inaprubahan ng NAPOLCOM, na pinamumunuan din ni Año ang recruitment ng may 10,000 Patrolmen at Patrolwomen sa pamama­gitan ng Resolution No. 2019-707.

Nabatid na ang 7,895 sa mga ito ay itatalaga sa PNP Mobile Forces sa ilalim ng 17 Police Regional Offices (PROs) sa buong bansa habang ang 2,105 pang bagong recruits ay itatalaga naman sa National Support Units (NSUs) at iba pang tanggapan ng PNP.

Sinabi ni Año na ang pagkuha ng karagdagang­ 10,000 police officers ay hindi madaling trabaho, dahil dapat aniyang tiyakin ng PNP na ang makukuha lamang nilang indibidwal ay yaong makapagbibi­gay ng kontribusyon para sa pagtupad ng kani­lang mandato at magiging asset ng police organization­.

NAPOLCOM PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with