Motor kinaladkad ng bus, rider lasog

CALAUAG, Quezon, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang motorcycle rider matapos na banggain at kaladkarin ng passenger bus sa Maharlika Highway, Barangay Vinas, ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Major Jaytee Tiongco, chief of police dito ang nasawi na si Carlo Tominez, 57, may asawa at residente ng Barangay Bagong Silang, Calauag.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang Kawasaki Rouser dakong alas-7:30 ng gabi at patungo sa kabayanan nang banggain sa kurbadang bahagi ng highway ng Bicol bound na Arandia bus na minamaneho ni Edgar Pillarda, 45, ng Pio Duran, Albay. Nang matumba at tumilapon ang biktima sa kalsada ay nasagasaan pa siya ng nasabing bus at nakaladkad ng may 25 metro. 

Nakakulong na sa municipal jail ang bus driver at nahaharap sa kaukulang kaso.

Show comments