^

Probinsiya

5-anyos napabayaan sa kotse, patay!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang 5-anyos na bata matapos na ma-suffocate sa isang pribadong sasakyan sa Barangay Tambler, General Santos City, kamakalawa.

Dead-on-arrival nang idating sa ospital ang 5-an­yos na batang babae na hindi pa pinangalanan.

Ayon kay Dr. Jette Oco, city health officer ng nasabing lungsod, lumabas sa kanilang pagsusuri na namatay ang bata sa suffocation o nawalan ng hangin sa loob ng sasakyan na nakasarado ang buong pintuan nito.

Paniwala ng mga awtoridad, posibleng nakatulog ang bata sa loob ng sasakyan at ilang minuto ang nakalipas ay nawalan na siya ng hininga.

Inaalam pa kung sinadya na iwanan o nakalimutan lang ng mga magulang ang bata sa loob ng sasakyan.

Wala pang karagdagang ulat ang imbestigador ng Gensan Police sa insidente.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with